career · Family · Motherhood · Sitcom

Back to work!

Hellooooo!

Hahaha… akala nyo naman nakapag long vacay ako kung makapah hello ako wagas hahaha, actually hindi. May pasok kami noon. Kumusta ang bakasyon nyo? Well, yesterday ng umaga, dinala namin si Nathan sa Pasig City Children’s Hospital (Child’s Hope) kasi naman bading! Ang taas ng lagnat nya. Nagstart sya nilagnat nung Monday afternoon. Nung Monday afternoon nag 38.3 daw ang temperature ni Nathan, tapos nung makauwi sila 38.8 ng bahay, tapos 38.6 ng around 12 midnight pinainom na namin ng Calpol every 4 hours (dito kasi sya hiyang) ayaw pa din bumaba, sabi namin mag asawa pag hindi pa bumaba ang lagnat ni nathan ng madaling araw dadalin na namin sya ng hospital, before we left the house, his temp was 38.9 wahhhh badingggg naloka ako, punas ako ng punas sa kanya.

Pagdating sa hospital 39 na, medyo irritable na ang bagets ko, according to Nathan, Monday afternoon masakit daw lalamunan nya. So pina CBC and Urinalysis, Salamat sa Diyos! Normal naman lahat, yung throat nya hindi naman masyadong mapula… pero bakit ang taas ng lagnat? Baka daw viral. Okay. So pinauwi na kami.

Pagdating sa bahay kahapon ng tanghali okay na sya, pumasok na ako sa work (imortal tayo e! ahahaha) nagtext si Rhey ang sabi bumalik ang lagnat and 38.3 na naman… tsk tsk tsk… may order kasi ang ER doc na pag di pa nawala ang lagnat hanggang this morning repeat CBC and for dengue test. Mga badinggg, ang mahal kaya din ng Dengue test kahit government mahal pa din pano kaya kung private pa. Awa ng Diyos, simula kahapon ng hapon hanggang ngayon eh hindi na sya nilagnat, nakadalaw na nga din kami kay Mommy kaninang umaga.

childs-hope(ctto of the photo, thank you)

Tara mag sitcom muna tayo para maiba naman!

BOLD STAR

Nasa Pasig City Children’s Hospital (Child’s Hope) kami, kukunan ng dugo si Nathan.

Medtech: Retardoooo!

Me: Nathan, halika na!

Medtech: Mommy, ihiga mo po sya dito (sa hospital bed)

Nagwawala ang Nathan

Nathan: Ayaw higa! ayawwww!

Medtech: Mommy, Hawakan nyo po sya dito, tapos daganan nyo sya dito.

Oh eh di sumunod ako, susmaryosep, nakaplunging pa kasi ako (sabrina cut kasi ang damit ko) lumalabas na kalahati ng bra ko hahaha.

Me: Anak, sige na higa na, sandali lang tayo tignan mo oh labas na dodo ni Mommy.

Tinignan ni Nathan,

Nathan: Wahhhhhh! ayawwwww!

Medtech: Baby, tignan mo kita na dodo ni mommy!

Tinaas ni Nathan yung blouse ko hawak nya yung blouse ko (para di na makita yung bra ko) habang kinukunan sya ng dugo

Nathan: Wahhhh! wahhh! wahhh!

O sya! Ang sweet! Such a darling… Ang mommy bold star hahaha. bow!

BALIW TANAW KAY LOLA BING #elisarosas

Kagabi nanunuod kami ng TV (My Puhunan) it was all about funeral businesses (Funeral services, floral arrangement, Lapida)

Nathan: Mommy! Mommy! Ano yan? (Tinuturo yung kabaong)

Me: Ahh, kama yan ni Lola

Nathan: Kama ni Lola?

Me: Oo, sige na matulog ka na (pinatay ko na yung tv)

Nathan: Mommy, wala na sakit si Lola?

Me: Oo, anak wala na sakit si Lola, wala na.

Nathan: Galing na sya? Di na sya uubo!

Awww… naalala pa nya 😦

That’s it for today guys! Enjoy the day!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s