Sitcom · Throwback · Uncategorized

High School crushes

Happy Friday everyone!

Kumusta kayo? Malamig noh? Maulan na naman kasi eh. Ako eto, umaatake na naman ng bongga ang legs ko sumasakit na naman. Anyways, kaninang umaga na LSS ako sa Anywhere for you.

Me: I’d go anywhere for you Anywhere you asked me to I’d do anything for you
Anything you want me to Your love as far as I can see Is all I’m ever gonna need There’s one thing for sure I know it’s true Baby, I’d go anywhere for you… (actually, ginoogle ko yan kasi baka magkamali ako e hahaha)

Kaya naisipan ko na mag throwback ng konti kahit Friday na. From time to time, nagchecheck ako ng pictures ng mga celebrity high school crushes ko. Hmmm… hindi ko alam kung sino uuanahin ko e. Sa pinaka special ba or sa pinaka special na special hahaha.

Ahhh sige sa local muna tayo, yeah! tama ka! may local celebrity crush ako at alam na alam ni Rhey kung sino yun. Actually, crush ko na sya sobrang noon pa. From Game plan to Extra Extra to Aksyon TV hahaha oh kilala nyo na sya? Hanggang ngayon crush ko pa din sya kaya lang nalungkot ako ng slight (hahaha, high school eh lol) kasi sila na pala ni Lara Morena and they’re living together. It’s not that I don’t like Lara Morena maganda sya pero kasi… kasi… kasi nga crush ko si… Paolo Bediones, even before the “video” went out.

Ilang beses ko na nga sya nakikita e, Unang beses ko sya nakita nung mag join kami sa 4th World Meeting of Families.

Rhey: Baby, tingin ka sa likod!

Me: Wahhhhhhh! Si Paolo! Si Paolo!

Grabeh talaga yun!

Pangalawa, nung naglalakad ako papuntang Ado’s Panciteria kasi wala ako masakyan. So eto na may parating na van… may jeep na! sa wakas! Sumakay na ako!, Pag upo ko tinignan ko yung van. Tumigil sa may Ado’s…

Anak ng lekat naman eh…

Pagbaba ng tao sa harap… Si Paolo! nakakainis! Bakit di nagkrus landas natin Pao?! hahaha

Here are some of the cutest photos of Paolo Bediones na nakita ko sa Google. as usual ctto of the pic.

Paolo Bediones

Gwapo di ba?

Sa larangan naman ng pelikula sa Hollywood meron din! Sino ba naman ang di mapapa ibig sa kagawapuhan ni “Jack Dawson”. Sa sobrang pagkacrush ko sa taong to halos lahat ng movies nya pinanuod ko sa VHS at CD. Ang Titanic kabisado ko na pati dialogue nilang lahat.

leonardo-di-caprio

Leonardo Di Caprio

Eto na yung pinaka special na special… Excited ako ahahah! Kinikilig ako actually (pasensya na nagmumurang kamatis, sibuyas at bawang ako ngayon ahahah)

Drum roll… Tadannnnnnnnn….

Nick Carter (Backstreet Boys)

Di nyo kilala?! grabeh naman kayo! ewan ko sa inyo. 90’s babies kilala nyo to noh?!

Sya ang love na love ko noon. Tanungin nyo ang Kuya kong si Bojie para malaman nyo kung gano ako kaobsessed kay Nick. Tanungin nyo din si Rhey alam na alam nya, pag dinetalye nya sabihin nyo sa akin kasi sasapukin ko talaga sya hahaha (Hoy Mahal! TOP SECRET natin yun ha!)

I have 6 hrs video compilation of their concerts, MTVs, interviews etc. Ang wallpaper ko sa kwarto ay posters nya at ng Backstreet boys. Favorite nya green oh eh di sige favorite ko na din yun. Favorite nya si Michael Jackson hahaha… favorite ko talaga si MJ. Nakatira sya Florida noon… mga tita ko nakatira sa Florida wow! small world hahaha… Umiyak din ako ng bongga nun napapabalita na gay sya at dati daw syang babae… nagkaklase kami umiiyak ako… wahhh… spell… obsessed.

Ang daddy ko napaka supportive talaga.

Daddy: Hayaan mo pag dumating ang Backstreet boys dito, regaluhan kita ng concert ticket nila.

Me: talaga?! Yeeeeheyyy!

Dumating ang July wala, August wala, September wala, October… wala pa din.

Come 2007… Dumating sila… pero wala naman akong time na manuod so X.

Come 2012… Parating sila.

Me: Mahal, nuod tayo BSB

Rhey: Sige!

Me: Bili na tayo ticket sa (confidential na lang)

Punta kami sa mall…

Me: Miss, dalawang tickets ng Backstreet Boys concert

Miss: naku mam, wala pa pong tickets na dumadating

Me: Kailan dadating?

Miss: Di pa po sure…

Hayyyy… Ang pera pinambili na lang namin sa Appliance Center ng dryer… Soooo…. X ulit

After a few days… isa sa mga co-workers ko…

Co-worker: Bambs, nakasale ang ticket ng backstreet boys.

Me: Ahhh…okayyy..

Deadma… wala na kasing pera

Come 2015…

Ayun! Wala pa din kasi kaysa bumili ako ticket, bibili na lang ako ng gatas at diaper. hahaha..

Di bale Nick… pagnanalo ako sa lotto, bibili ako ng VIP ticket! yung may special meet and greet. Yung may chance na umakyat sa stage para kantahan ng I’ll never break your heart.

Wahhhh… Ayun lang! Kakakilig di ba?

Pero ang eto ang ultimate crush ko.

rhey

Rhey Retardo

Pogi di ba?! Nakilala ko sya noong 2002 sa Infotech, pinakilala sya ng isa sa mga barkada namin noon, biruan tapos ayun na! nadevelop, nagligawan hahaha… tapos kami na. May isa pa akong love na love isisingit ko sya dito ha.

nathan-ko

Francesco Nathaniel Retardo

How about you? Anong kwento nyo sa mga crushes nyo noon? Kwentuhan naman tayo, Sabi nga nila “Sharing is caring”. Kwento lang kayo sa comment box. Kwentuhan mo ako!

Happy weekend!

Advertisements

7 thoughts on “High School crushes

  1. Nung HS ako, sorry pero naging crush ko rin si Nick Carter! Pero sige sayo na siya! Then, crush ko rin noon si Mark Feehily ng Westlife! As in! Nakatutok ako sa TV noon pag video nila palabas sa Myx o MTV! Kilig lang talaga! hahaha! Sa showbiz, si John Lloyd, kahawig siya ng isang ex ko eh. LOL! Tapos, si Alden Richards! ^_^ ❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s