holiday · Uncategorized

All I want for Christmas is… are…

Hallooo!

Christmas is coming really soon noh? Nakapag shopping na kayo? Ako? Well, meron na. Kasi ganito yun ang ginagawa ko kasi dyan eh, pagtungtung pa lang ng September nag istart na ako bumili ng mga pwede kong ipangregalo sa pasko kasi naman mga bading ang mamahal na ng regalo ngayon at isa pa dumadami na ang mga reregaluhan ko e. May mga inaanak ako na graduate na pero madami pa din ang hindi pa at mga cute na cute pa sila.

When I was dalaga pa (ang konyo noh!)… isang bagsakan yan let’s go to the mall… butasan ng wallet yan and hindi naman din pala joke joke yung amount ah. Pero ngayong may asawa at anak na ako natuto talaga ako na maging practical. August or September pa lang I save a certain amount of money na every payday then kung kulang pa taska ko na lang dadagdagan from my 13th mo pay so hindi na sya ganun kalaki di ba? practical!

I don’t usually give money… ang prinsipyo ko kasi dyan eh ganito. Pag binigyan mo ng P100.00 baka isipin (hindi ko sinabi na INIISIP ha, iba yung may word na BAKA lol, mabuti ng nagkakaliwanagan hahaha) ng inaanak ko eh si Ninang ang poor hahaha eh pag gift ay balot palang maganda na kahit mura hindi halatang cheap. Medyo may talento ako sa pagpili ng maganda na hindi mukhang chipipay masyado hehehe… pero mga bading sumasakit katawan ko sa kakahanap nyan at yun lang ang downside nun.

I sometimes do online shopping. (DISCLAIMER: HINDI ITO PAID AD) I usually purchase sa Zalora. Mabilis kasi sila magdeliver and they really keep in touch with you regarding your orders. I have tried it nung mag purchase ako ng Beverly Hills Polo Club (BHPC) na back pack for Rhey. I purchased it in the morning and they have it dispatched ng 11am, then my order was with me na ng 12 noon the following day it was COD (cash on delivery) bonggabels!

O Cia humahaba ang kwento… Naisipan ko kasi na magkaroon naman ng wishlist for fun lang naman… well… kung may generous akong readers, friends, ninongs at ninangs… Ahyyy! Mas maganda! mas merry! merry! hahaha.

Gagawa ako ng format ha!

wishlist

I WANT          A weekend stay in a hotel with free breakfast and amenities for me my  husband and son.

Hindi naman ako maselan. Pwede na sa akin sa

goldland
Goldland Millenia
jinjiang-inn-ortigas
Jinjang Inn Ortigas
jinjiang-inn-ortigas-2
Jinjang Inn Ortigas
malayan
The Malayan Plaza
services-bsatt21
BSA Twin Tower
astoria-plaza
Astoria Plaza

Ang sarap kasi naman talagang magrelax ng kaunti na away naman sa bahay mo. Naexperience nyo na yun? Naexperience ko yun nung maging wedding coordinator ako ng kumare kong si Mhelai and kumpareng Jhim. Kahit nakakapagod nakakarelax pa din after a busy day kasi comfortable  yung bed, tahimik, overlooking tapos ang lamig lamig sa kwarto and yun nga may something new.

I NEED          MONEY period hahaha… sinong hindi kailangan toh!? weh! wag plastik teh! hahaha!

I’LL WEAR      ADIDAS SUPERSTAR SHOES… Malakas lang makabagets. Subok ko na kasi ang Adidas e, maganda talaga yung sole ng shoes. I had Adizero na nasira lang ng hindi ko ginagamit… moral: Gamitin ang sapatos wag idisplay hahaha…

8386e25d67d3f3f6037da9786c3238c0

adidas-superstar-vulc-adv-white-black-2

I’LL READ MICHAEL JACKSON/BACKSTREET BOYS/NICK CARTER’S BOOK Nangongolekta ako ng MJ Books ( I already have 4 palang) I forgot the title of the other two books. Basta eto yung naaalala ko na meron na ako:

michaeljackson_moonwalk-489045

mj

And the other one was written by Randy J. Taraborrelli. (I forgot the title) and the other one is Michael Jackson: A life in pictures.

AND I’D REALLY LOVE YOU TO BRING ME

Kung place …. To Austria… Mala Sound of Music ang peg .

AND I’D REALLY LOVE YOU TO BRING MENick Carter… pero Santa tell Nick to speak in Tagalog kasi may oras lang pag iEnglish ko hahaha from 2-11pm lang Mondays to Fridays lang hahaha.

17e06e53e4d76dcea9fea48654d0761d

Or

para mas makatotohanan si PAOLO BEDIONES na lang hihihi.

893ec4d5e

Kung iba… good luck, harmony in our family, peace of mind, happy and healthier 2017.

Love,

Bambhie

P.S.

Santa, I also have readers who would like to ask some gifts from you. I will let them write in my comment box.

Who knows?! A real santa will come down from your chimney… kung meron kayo chimney! baka naman exhaust fan lang yan hahaha! Maipit pa si Santa lol.

Til next post!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s