Sitcom · Uncategorized

Busy schedule + traffic

Hello everyone! Long time no talk!

Eh pano ba naman full pack ang schedule ko, kung may vacant man gusto kong itulog or ipahinga na lang muna. Naikwento ko na ba sa inyo ang super duper exaggerated na traffic nowadays sa Pasig. Well, dito lang naman ako sa Ortigas nagwowork sa Tycoon Building to be specific. Hindi mo alam yun? Yung building sa may Pearl Drive, yung malapit sa may UA&P (University of Asia and the Pacific) sa likod ng Tektite. O yung sa likod ng Linden Suite di pa din?! Hayy! Yung Pyramid ang tuktok ng building… gets na? Oo yun ang Tycoon Building.

tycoon

ctto of the pic

ortigas-center-original-7143
the pyramid type on the right

Alam nyo ba nangyari sa akin nung nakaraang Thursday (Dec 15) meygerd! eto ikwekwento ko medyo mahaba nga lang.

I usually leave home at 12:15pm medyo nahirapan ako sumakay ng jeep going to Kapasigan, dun kasi ako sumasakay ng FX para sure ako na may masasakyan. Eto na, 12:51pm na sa cp ko nasa kanto pa rin ako ng Kawilihan St. Anak ng tipaklong yan! naiiyak na ako, nakatyempo ako ng jeep pero traffic sa Rotonda, nung tumakbo yung jeep nakita ko ang traffic sa intersection and yung haba ng traffic eh nakarating na ng Kapasigan but according to Kumareng Mhelai hanggang City Hall na daw ng Pasig yun! Oh may gulay! Calling all officials po!

So ginawa ko bumaba na ako sa may Meralco (Kapasigan) hindi na ako nagpaabot dun sa may KFC kasi dun palang sa Meralco tanaw ko na sa dulo at dulo na hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Nagdecide na ako na magbyahe ng Quiapo sumakay ako pero iilang metro pa lang ang tinatakbo nya traffic ulit mga 5-10 meters lang baba ulit ako from Calle Preciousa to Pasig Rotonda ulit hanggang sa tulay paakyat ng Bagong Ilog takbo ang ginawa ko ha, naluluha na ako malelate na ako it was already 1:15pm, sasabit na lang sana ako sa jeep pero ultimong jeep ayaw na magsakay. Ang last option ko maki hitchhike na lang.

harat-net-how-to-hitchhike-what-is-hitchhiking

Gumanyan ako! Ang nasa isip ko kahit motor, kahit truck, kahit private car kahit ano! basta makasakay ako, Awa ng Diyos! Tinigilan ako ng mobile ng pulis, akala ko nga they would block my way pa mas lalong di ako makakasakay.

Pulis: San po kayo mam?

Me: Sir, sa Tycoon lang po sa Pearl Drive sa Ortigas

Pulis: Kaya lang po pa Kapitolyo lang po kami.

Me: Okay lang po sir, nagmamadali lang po ako.

Pulis: Sakay na po kayo

Sa taranta ko binubuksan ko pati yung pinto nung sa pulis…

Pulis: Mam, dun po kayo sa likod.

Me: hehehe… sorry po.

Kahit hiyang hiya ako kasi mukha akong adik na nahuli kasi pinagtitinginan ako ng mga nasa jeep, ang importante yung Perfect Attendance Incentive ko!!!

Pulis: Mam, dito na lang po kayo (Kawilihan Village) kasi po kakaliwa na po kami (Capitol 8). Sakay na lang po kayo ng fx pa Ortigas.

Me: Ahh.. okay po, maraming salamat po.

THANK YOU PULIS PASIG!

Sabi ko sa isip ko abot na abot pa, Pak! Jeep na ako wow! walang  traffic! abot to! abot to!

Eto na pagdating ng Capitol Commons ang traffic wala ng galawan, nagsuper saian na ako mga bading! Etong taba kong to nanakbo talaga ako ng literal, from Capitol Commons to Escriva Drive. Nangharang na din ako ng taxi, binayaran ko ng P50.00 pagdating sa hagdan ng Tycoon takbooo! Eh epic fail mahaba din pila sa elevator omg! 1:45pm late na ako!

Pag in ko 1:46pm late ako 1 minute ang saklap di ba? PERO! according to our HR, HTL and CCTV nakapag in ako ng 1:45pm! Pak! pak! pasoooookkkk!

Thank You Lord!

funny-traffic

Lesson learned: Leave the house at 12… yeah! 12! 12 midnight for a 1:45 Call In Time hahaha!

Till next post!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s